Ang araw na ito ay kapuna-puna dahil sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng BAGSAK o LAGPAK na grado sa isang pagsusulit. May sarili po akong pamantasan. Lahat na gradong bababa sa 75% ay bagsak na. Walang masama kung mataas ang standard sa pag-aaral diba? MAGIS! [Pb, ang yabang mo talaga]
Noong hayskul, makakuha lang ng final score na bababa sa 83% ay iniiyakan ko na. Syempre. Sayang ng 1st honor. Tsk3. Hindi tayo dapat makuntento sa 2nd honor. MAGIS! [Humihirit pa]
Noong hayskul, inakala kong magaling ko sa Matematika. Nang pumunta ako sa UP at nag-aral ng Math 17, pakiramdam ko biglang naglaho ang katalinuhan ko, kung meron man.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa midterms. Nag-aral naman ako pagkatapos panoorin ang pekeng dvd ng Spring Waltz. Hindi naman nagkulang sa oras, kasi nagsayang pa ako ng 10-15 minuto sa pagdrowing sa blue book kasi kahit anong pilit ko, hindi ko talaga matunton ang sagot. Sumuko na ako. Maayos naman ang pakiramdam ko, binigyan pa nga kami ni Sir ng tsokolate - pampagaan daw ng loob habang nagsusulit. Sayang lang at walang bonus points. Kung tungkol sana sa Pokemon gaya sa ika-3 pagsusulit, siguradong nakuha ko na iyon. Pasensya na lang sa mga taong miserable ang kabataan. Kawawa naman kayo, walang kaalam-alam kina Treecko, Chikorita, Turtwig, ang panghabambuhay kong paborito na si Jigglypuff, atbp. Nakakamiss naman ang "AM+DG plus one" ni Sir Tatel. [Hi Sir! Extra ka dito. Alam kong mababasa mo to]
Hay naku, hindi dapat masyadong damdamin ang 53%. Ito ang primerong pagkakataon, kaya siguro ganito na lamang ang reaksyon ko. Kung ikukumpara naman sa mga nakakuha ng 20%, aba, swerte na ako! Pero hindi, walang ibang dapat pagbasehan kundi ang standard sa sarili. Siguro nga kailangang taasan ko pa ito sa 80%. Grabe, baka maging suicidal na ako at tumalon sa ika-4 na palapag ng isang gusali. Saan kaya maganda, sa CAL? Lib? Haha! Biro lang po. Ayokong mamatay na may NBSB sa lapida. Diyos ko Lord! [Namiss ko rin si Sir Ren. Salamat po sa karanasang naidulot ng iyong MOMA.]

2 comments:
I AGREE nang BONGGANG BONGGA ate. Hindi kita kilala, nadaanan ko lang to. Pero OO. SWAK NA SWAK. Siguro lahat tayo yun yung naramdaman sa math17. Masyadong binuksan mga mata mo. Hahahaha. Alam mo yun, swak sabihing naglalaho na pangarap mo pag labas ng room. hahahaha. XD
Di kita kilala pero sobrang nakakarelate ako sa post mo. Freshie ako naun sa UPM taking up Bs Biology at sobrang nawala lahat ng confidence ko sa math nung nagmath17 na ako.
like you, inakala ko ri nung HS ako na above average ang galing ko sa math, pagpasok ko ng UP, okay.hindi pala.
1st Depex = 51%
-_-
magiging masaya na talaga ako sa gradong 3 sa math17. super saya.
Post a Comment